Wednesday, November 6, 2019

Climate change


                 



 iba't ibang Aspekto ng Climate Change



          Sa lawak ng epekto ng climate change o pagbabago ng klima, marami ring
aspekto ng buhay ng tao ang masasaklaw nito. Nandiyan ang pampolitika, pang-

ekonomiya, at panlipunang mga aspekto.


Pampolitika


        Sa aspektong pampolitika, mayroong tatlong pangunahing epekto ang sakuna.
Ang mga ito ay ang pagtugon ng pamahalaan, pagpapadrino, at pagplaplano.

Pagtugon ng pamahalaan


       Maraming tugon ang pamahalaan sa sakuna, pangunahin sa aspektong 
pampolitika ay ang pagdedeklara ng state of calamity. Sa ilalim ng state of calamity,
nagkakaroon ng price control sa mga pangunahing pangangailangan at bilihin tulad 
ng bigas, tubig, at iba pa. Mananatili ito sa loob ng 60 araw o kung kailan aalisin ang
state of calamity. Pangalawa, nagkakaroon ng no-interest loans sa mga lugar na 
sumasailalim sa state of calamity. Ito ay upang mas mabilis makaahon ang mga tao
mula sa naranasang sakuna at upang mas mabilis makabawi sa mga puhunang nasira
o nasalanta. Pangatlo, mas madaling nailalabas ng pamahalaan ang pondo para sa mga
lugar na apektado ng sakuna kung mayroong deklarasyon ng state of calamity. Awtomatikong nabibigyan ng badyet ang lugar na nasa ilalim ng state of calamity. 
mula sa pambansang pamahalaan. Bukod pa rito, maaaring lumikha ng karagdagang
badyet ang lolak na pamahalaan upang pambayad sa mga serbisyo at materyales na kailangan sa pagtugon sa mga naapektuhan ng sakuna.


    Mayroong batas na naglalayong agapan ang climate change. Ito ang Republic Act No. 9279 
o Climate Change Act of 2009. Mayroon itong tatlong layunin. Una, layunin nito ang makatugon
ang bansa sa hamon ng sukdulang pagbabago ng klima. Inaatasan ng batas na ito ang pambansang
pamahalaan na maglaan ng badyet para sa mga magiging epekto ng climate change. Binibigyan rin 
nito ng kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaan na gumawa ng mga hakbang upang matugunan
ang mga hamon ng climate change. Pangalawa, layunin ng batas na ito ang maitatag ang Climate
Change Commission o CCC. ito ang magsisilbing payong na komisyon na mag-uugnay sa iba't ibang
ahensiya ng pamahalaan sa pagtugon sa mga suliranin ng climate change. Pangatlo, layunin ng batas na ito ang maglatag ng mga solusyon na panandalian at pangmatagalan.


     Noong 1912, idinaos ng United Nations ang Earth Summit sa Rio de Janeiro sa Brazil, at nagkasundo ang mga bansa na bawasan ang carbon emissions.


Patronage o Pagpapadrino


   isang negatibong epekto sa aspektong pampolitika ng mga sakuna ay ang paglaganap ng patronage politics o sistemang padrino. Bagamat hindi masama ang pagtulong ng mga politiko tuwing oras ng sakuna, nagkakaroon ng utang na loob ang mga tao sa kanila tuwing mamimigay sila ng relief goods.
May mga pagkakataon din na ginagawang pangangampanya ang pamimigay ng releif goods upang isulong ang personalidad o kasikatan ng isang politiko.


Pagpaplano


      Matapos ang pangunahing tugon sa sakuna, lumilikha ang pamahalaan ng plano upang lubos na makaahon sa mga epekto ng sakuna ang mga tao. Sa planong ito, naglalaan ng badyet para sa pagkukumpuni ng mga nasirang impraestraktura. Isinasama rin sa plano ang pag rehabilitate ng mga tao na nakaranas ng trauma. Tinutulungan sila ng pamahalaan sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na sila ring nangangalap ng impormasyon sa mga pangangailangan ng mga tao. Sinisiguro rin ng pamahalaan na makahahanap ng sapat na kabuhayan ang mga tao upang makaahon o hindi masadlak sa kahirapan matapos ang sakuna.


       Natalakay rin sa unang aralin kung paano pinagpaplanuhan at tinitugunan ng NDDRRMC ang sakuna na maaring idulot ng climate change.


Panlipunan


      Malawak ang epekto ng sakuna sa aspektong panlipunan. Bukod sa direktang epekto nito sa tao tulad ng takot, trauma, at pagkasawi, maisasama rin sa aspektong panlipunan ang epekto nito sa hanapbuhay ng mga tao. Ngunit mayroong tatlong aspektong panlipunan ang lalong naihahantad tuwing may sakuna. Ito ay ang kahirapan, pamumuhunan, at bayanihan.


Kahirapan


        Nakadaragdag sa kahirapan ang mga sakuna at naging sanhi rin ng kahinaan ang kahirapan sa pagharap sa mga sakuna. May posibilidad na dumami ang mga pulubi tuwing tatama ang isang sakuna. Dahil sa epektong pangkalikasan ng climate change, nanganganib na mawaln ng trabaho, tirahan, at pamilya ang maraming tao. Dahil dito, nananatiling napakahirap ang pag-ahon mula sa kahirapan lalo na kung papatungan pa ang suliraning ito ng pagtama ng mga sakuna. Nangangailangan ng lubos na suporta ng pamahalaan nag pagtugon sa kahirapan kaakibat ng paghahanda at pag-mitigate sa mga epekto ng sakuna.
    

        Bagamat pare-parehong dumaranas ng sakuna ang lahat ng Pilipino, hindi pare-pareho ang epekto nito sa bawat isa. Ang epekto ng sakuna ay naayon sa uri ng tahanan, lugar na pinagtirhan, at ang kakayahang lumikom ng mga pangangailangan.


       Ang mga mahihirap ay higit na apektado ng mga sakuna dahil karaniwang kulang sila sa maayos na tirahan. Madaling masira ang mga bahay ng barong-barong kumpara sa mga bahay na yari sa semento at bakal. Madalas rin silang matatagpuan sa mga illegal settlements kung saan peligroso ang paninirahan dahil iyon ay kabilang sa mga geohazard sites tulad ng floodways, catch basins, at mga tabing ilog. Ang geohazard ay isang katangian ng kapaligiran na maaring magdulot ng malawakang pinsala at kapahamakan.


      Bukod pa sa uri ng tahanan at lugar na pinagtitirikan, malaking salik upang malagpasan ang sakuna ay ang kakayahang lumikom ng mga pangangailangan. Ang mga taong maykaya sa buhay ay maaring makapag-ipon ng maraming delata, tubig, bigas, at iba pang pagkain kaya mas tatagal sila kung magkakaroon man ng sakuna. Subalit para sa mga naghahanapbuhay nang arawan, ang isang araw ng unos ay napakahirap nang tustusan.


Pagtugon ng mga Mamamayan


      Isa sa mga bunga ng mga sakuna ay ang pagtugon ng mga mamamayan kung saan nagbubuklod-buklod ang mga karaniwang Pilipino upang tumugon sa mga pangangailangan ng mga naapektuhan ng sakuna. Isa itong uri ng bayanihan kung saan pinagsasama-sama ang mga maliliit na donasyon ng mga tao upang ibigay sa mga apektado ng sakuna.




Maraming mga paaralan, Simbahan, at organisasyon ang tumutulong at nangangalap ng mga volunteers upang mag-ayos ng mga donasyong de-lata, bigas, at tubig pang-inom. May mga nagbibigay rin ng pera sa mga organisasyon tulad ng Red Cross at DSWD na silang naghahatid ng serbisyong pangmatagalan.


Mga Kilusang Panlipunan at NGOs


       Bukod pa sa mga ito, nariyan din ang mga civil society groups o mga kilusang panlipunan na tumutugon sa sari-saring isyung panlipunan. Nakikipagtulungan rin ang mga non-government organizations o NGOs na ito tulad ng Haribon Foundation, World Wildlife Fund o WWF, at Greenpeace upang matugunan ang isyung pangpakapilgiran. Mahalaga ang ginagampanang papel ng mga ito sa lipunan. Una sa lahat, nakikipagtulungan sila sa pamahalaan upang matugunan ang isyu ng climate change. Kinikilala ng Konstitusyon ng Pilipinas sa Artikulo II ang pakikilahok ng mga kilusang panlipunan sa pagpapayabong ng pambansang pag-unlad. Pangalawa, lubos na nakatutulong ang mga organisasyong ito sa pagpapakalat ng impormasyon sa publiko tungkol sa climate change at iba pang isyung pangkapaligiran. Pangatlo, nakagagawa rin ng mga solusyon ang mga organisasyong ito upang matugunan ang climate change.


Pang-ekonomiya


     Mayroong tatlong pangunahing epekto sa ekonomiya ang mga sakuna dulot ng climate change. ito ay ang pagkasira ng impraestraktura, ang pagkawalaa ng kabuhayan, at ang paglipat ng pamumuhunan. Dapat tugunan ang mga ito nang mabilis at may paninindigan sa panig ng pamahalaan upang mkaahon ang mga tao sa sinapit na sakuna at mabawasan ang epekto ng mga darating pang sakuna.


Pagkasira ng imprastraktura


        Ang direktang epekto ng sakuna sa ekonomiya ay makikita sa imprastrakturang nasira nito. Mahalaga sa ekonomiya ang mga tulay, daanan, pantalan, paliparan, at iba pang mahalagang imprastraktura dahil napadadali nito ang pagdaloy ng komersyo sa isang lugar. Ang isang tulay na nasira ay nagdudulot ng matinding pasakit sa mga mamamayan dahil kinakailangan pang dumaan sa mas malayang kalsada upang makatawid. Apektado ang mga gulay at iba pang mabilis masirang pagkain na ibinabiyahe.


       Matindi rin ang epekto sa ekonomiya ng mga nasirang poste ng kuryante. Sa lungsod, humihinto ang trabaho at negosyo sa tuwing nawawalan ng kuryente lalo na kung pangmatagalan. Ang mga linya ng telepono at cell sites ay mga sensitibong imprastraktura kaya inuuna ang pagkukumpani ng mga ito tuwing nasisira ng bagyo. Ayon sa pagsusuri ng Overseas Development Institute ng UK (1997), tinatayang umaabot sa 0.2% hanggang 0.3% ng Gross Domestic Product (GDP) ng pilipinas ang halaga ng pinsalang hatid ng mga sakuna lalo na ng bagyo.


Kawalan ng Kabuhayan


       Apektado ng sakuna ang kabuhayan ng mga tao. Ang mga nasisirang taniman at palaisdaan ay nagkakahalaga ng milyong-milyong piso. Bumabagsak ang taunang ani ng mga tao sa tuwing masisira ng sakuna ang kanilang taniman o palisdaan. Dahil bumabagal ang pagdaloy ng komersyo sa apektadong lugar ng sakuna, sadyang tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin. Isa sa mga dahilan ay ang hoarding o pamamakiyaw ng mga tao ng mga bilihin sa paniniwalang mahihirapan silang makakuha nito. Sa mga ganitong panahon, ipinaiiral ng pambansang pamahalaan ang price freeze upang hindi magtaas ng presyo ang mga pangunahing bilihin.

Paglipat ng pamumuhunan


     Ang pag-alis o pag-iwas ng mga mamumuhunan sa mga lugar na tinatamaan ng sakuna ay sanhi ng takot na malugi ang kanilang mga negosyo. Dahil dito, lalong bumabagal ang pag-ahon sa sakuna ng maraming lugar. Batay sa pag-aaral ng Overseas Development Institute ng UK niing 1997, nakita na umiiwas ang mga mamumuhunan sa mga lugar na nakaranas ng matinding sakuna.


Ang Video na ito ay isang Halimbawa ng Climate change.




No comments:

Post a Comment